Nitong Marso, ginunita ng mga Bangsamoro ang ika-54 na anibersaryo ng Jabidah Massacre o ang sinasabing pagpaslang sa Corregidor ng mga kabataang Moro na ni-recruit at nagsasanay para sa Oplan Merdeka noong 1968.<br /><br />Nais ng mga Bangsamoro na tanggapin bilang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang yugtong ito, na sinasabing isa sa mga inspirasyon sa pakikibaka nila para sa tunay at makabuluhang awtonomiya.<br /><br />Ngunit ayon kay dating Senador Juan Ponce Enrile, na isang mataas na opisyal noong rehimen ni dating Marcos, walang masaker na naganap. Ang buong kwento, alamin sa video.